Para sa labs ko.Naalala mo nung una kitang makilala? sabi sa akin ng mga kaopisina naten, mg sign laguage dw ako kasi d ka ngsasalita..akala k nmn tlga mute ka kaya ayun ngmukha akong engot sa harap ng marami kaka sign laguage ko..pano nga bng di pumasok sa kukute k n ntanggap k s work ng d ngsasalita.hayyzT.
Di ba nga dati kuya ang tawag ko sayo. tapos nag umpisa ka ng magparamdam.di ka nmn multo pero ramdam kita.kumanta ka pa nga na halos maglupasay ako sa hiya dahil pinutakte ako ng tukso ng mga kumag nateng prens.Your love pa nga ata ang kanta mo nun..tapos next na kanta inalay mo ipagpatawad mo.ano kinakahiya m na ba sarili mo dati?hahah. Di ka nmn intsik pero dumadalaw ka sa boarding ko ng als 6 ng umaga..di ko nga alam kung dalaw un o tlga lng gusto mo lng makikain sa bahay lage ka pa may sidekick.(borje musta?).
Ung dinadalhan mo ko tsokolet na bago ko kainin ay pinapakagat ko muna sa iba baka kako may lason.☻
Tapos, bigla na lng nagbago ang ihp ng hangin, na ang dating ako na walang ni kunting feelings ay nahulog na.
nauto, nabola at napraning.
40 months na kitang kilala.kwarentang buwan, na ang bente nun ay parang pusa't aso.wrestling dito, tampuhan dun.
ikaw na ata ang matatawag kong bespren at mortal enemy at the same time. Napakaraming bagay ang kelangan dumaan sa matinding diskusyon. Kahit langaw di makakalampas sa mga sita mo.
Unti-unti ko na ring nararamdamang umiikot na mundo ko sayo, ang daming bagay na kaylangan baguhin.kahit saan na ata ako magpunta kilala ako..uy si abe musta? napapatawa na lang ako..tanungan ba ako? front desk..mukha siguro akong mesa.
Pansin ko na rin na tumatanda ka na sa harap ko..lalo na kapag iritang irita ka sa akin..kaya kong bilangin ang kunot ng noo mo..pati pagsalubong kilay kaya kong i drawing.
Kahit saan, mapa facebook, friendster nakakabit na pangalan ko sayo. Pwede ko na yatang gamitin ang besinga na apelyido.hahah.dyoks lang.
Prens ko prens mo na rin, Mama ko sau na rin..kahit pati mga kapatid ko pag nag aaway tau sayo na rin kumkampi..wala ng nagmamahal sa akin..inagawan mo na ako..pati ba naman password ko pangalan mo pa rin.aysusme.
Pero sa dinadami dami ng napgdaanan naten lagi ka pa rin strong sa ating dalawa. ung topak ko sinasabayan mo na lang.
kapag mainit ulo ko alam mo ng dumistansya..isang daang metro ang layo mo sa akin kapag meron ako..ikaw ba namn mapag initan lage.
Ikaw lang ang may kayang buuin at sirain ang araw ko, patawanin at paiyakin pagkatapos.
Masaya, malungkot at magulo ang mundo nateng dalawa kapag magkasama tayo ng buong araw. pero sa bandang huli lab na lab pa rin naten ang isat isa. tenkyu berimats sa lahat lahat ng pag intindi, sa mga luhang binuhos mo sa tuwing iniipis ang utak ko.. sa mga pagpapatawad, sa mga ka dramahan ko na pwede ng nobela at papasa sa MMK kung nagkataon.salamat.
para sa mga darating na panahon, bagyo, pagsubok, tukso..cheers!
Post taken from my FB note.
No comments:
Post a Comment
Drop by and say hello..or ask.